Paminsan-minsan na lang ‘to

Hindi ko alam kung kelan ang huling panahon na nagtatatakbo ako sa labas para maligo sa ulan. Siguro mga 100 years na yata ang nakalipas. (Exajs siempre!)

Sobrang lakas ng ulan kahapon, hindi namin (ako, mga pamangkin ko at mga julaylay) mapigilan ang lumabas ng bahay para maligo. Tamang-tama hindi pa ako naliligo at naka-magic black kamison pa ako na pang-meme ko.

image034.jpg

Wahaha! Unahan kami sa tapat ng kapitbahay namin kasi dun mas malakas ang tulo ng ulan mula sa bubong nila. Astang mga hindi pa nakakatikim ng shower sa banyo sa buong buhay ang ginawa namin. Tulakan! Tawanan! Hiyawan! Buti hindi kami sinita ni Manong sa ingay namin sa may gate nila.

Napapalingon yung mga traysikel na napapadaan sa tapat namin, hiyawan kami eh. Tsura lang ng mga batang wala pang malay sa kamunduhan este mundo.

I swear nami-miss ko ang ganito, ang sadyang maligo sa ulan. Naaalala ko ang kabataan ko nung panahon ni MacArthur (exajs ulit)… lagi namin dinadalangin ng mga kalaro ko ang umulan para makapagtampisaw kami. Kaya kahit bumabagyo noon, arya kami!

image036.jpg

Siempre nung mga bata pa kami, hubo’t hubad kaming nagtatakbuhan…nagpapatintero sa daan. Ewan ko lang kung nagagawa pa yan ng mga bata ngayon lalo na yung mga girls – yung maligo sa ulan ng hubo’t hubad o naka-funtee lang. Dati kasi hindi pinapansin ng mga tao ang mga ganun at hindi gaya ngayon na ibang-iba na ang panahon.

Ngayon, beybi pa lang ang mga babae eh kelangan wag na iwanan o ipagkatiwala sa kung sinu-sino lang at baka mamolestiya. Aguuyyy! Tsaka ngayon, pag lumalakas ang ulan…kaba na ang namamayani sa dibdib ng mga bata sa ibang lugar kasi baka bumaha na o kaya magkaroon na naman ng landslide. Tsk tsk!

image031.jpg

Kaya ang mga anak ko nung maliliit pa dun sa probinsya namin…hinahayaan ko talaga ang maligo sa ulan — kahit papano safe naman dun sa amin. Ibang tuwa talaga makipaglaro, maligo sa ulan at gusto ko hindi ma-miss ng kabataan nila ang saya na yun.

Alam ko sa mga susunod na taon pa…baka malabo na akong makapagtampisaw ulit sa ulan at baka may arthritis na ako nun. Ayayay! Kaya ngayon…pag may pagkakataon — maliligo at maliligo ako sa ulan. Kever kung sino ang nakakakita. Paminsan-minsan na lang ‘to. Kayo, kelan ang huling tampisaw nyo sa ulan?

http://www.maruism.com

Pos ini dipublikasikan di Philippines Girls dan tag . Tandai permalink.

Tinggalkan Balasan

Isikan data di bawah atau klik salah satu ikon untuk log in:

Logo WordPress.com

You are commenting using your WordPress.com account. Logout / Ubah )

Gambar Twitter

You are commenting using your Twitter account. Logout / Ubah )

Foto Facebook

You are commenting using your Facebook account. Logout / Ubah )

Foto Google+

You are commenting using your Google+ account. Logout / Ubah )

Connecting to %s